Ipinahayag ni PBBM ang pag-asa na mas lalalim pa ang ugnayan ng Pilipinas sa China at Chile sa ilalim ng bagong itinalagang mga ambassador ng dalawang bansa.
Nag-initial at nagpalitan ng draft MOU ang Pilipinas at Denmark upang palakasin ang skills training at recruitment ng Filipino health at care professionals.
Nagpalabas si PBBM ng mga administrative order na magbibigay ng service recognition incentive sa government workers at gratuity pay sa COS at JO personnel bilang pagkilala sa kanilang serbisyo.
Pumasok sa kasunduan ang Victorias City at DHSUD upang ilunsad ang rental housing modality sa ilalim ng Expanded 4PH Program para sa mas abot-kayang pabahay ng mga pamilyang nangangailangan.
Binigyang-diin ng DSWD na mahalaga ang access sa disenteng pabahay sa pag-angat ng 4Ps families mula sa kahirapan matapos ang pagbisita sa isang 4PH housing site.
Halos isang milyong Pilipino na ang nakinabang sa Benteng Bigas Meron Na program pitong buwan matapos itong ilunsad, ayon sa Department of Agriculture.
Ibinahagi ni PBBM na ang kanyang Christmas wish ay isang maayos na 2026 national budget at mas maraming oras kasama ang pamilya ngayong holiday season.